^

Bansa

Payo ng solons kay Ebdane: ’Wag mataray sa media

-
Pinayuhan kahapon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino si bagong Defense Chief Hermogenes Ebdane Jr. na maging mabait sa media at huwag tularan ang katarayan ng kanyang Commander-in-Chief na si Pangulong Arroyo.

Ito’y matapos mapikon si Ebdane at magpakita ng pagkairita sa tanong ng isang lady reporter sa ginanap na press briefing kamakalawa.

Ayon kay Casino, wala sa lugar ang pagtataray ni Ebdane lalo pa’t lehitimo naman ang itinatanong sa kanya ng reporter kaugnay sa magiging role ng militar sa nalalapit na eleksiyon.

Trabaho aniya ng mga miyembro ng media ang magtanong sa mga opisyal ng gobyerno lalo pa’t nagpatawag ito ng isang press conference kaya hindi sila (media) dapat "binabastos."

"What’s you problem?" nairitang tugon ni Ebdane sa reporter.

Nang magtanong ang reporter ng follow-up ay sumagot si Ebdane ng "I suggest that you look at the mandate of the Comelec, the mandate of the Armed Forces of the Philippines and the Memorandum of Agreement that was signed and you will understand."

Sa unsolicited advice na ibinigay naman ni House Majority Leader Prospero Nograles, chairman ng makapangyarihang House Committee on Rules, sinabi nito na hindi dapat uminit ang ulo ni Ebdane sa media at dapat maging bukas ito sa kritisismo.

Sinabi ni Nograles na siguradong mas marami pang kontrobersiyal na tanong ang ipupukol ng media kay Ebdane kaya marapat lamang na panatilihin nito ang lamig ng kanyang ulo.

"He should keep his cool. Many more questions, more sensitive than that will be asked by media. The rule should be: ‘laughing on the outside even if crying on the inside," ani Nograles.

Napabalita ang biglang pagtataray ni Ebdane sa ilang miyembro ng media sa kanyang unang press briefing bilang Defense secretary nang ungkatin ang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng Department of National Defense at Commission on Elections noong Oktubre 12.

Nabuo ang MOA dahil sa "Hello Garci" scandal kung saan sinasabing ginamit ang militar sa diumano’y pandaraya noong 2004 presidential elections.

Bagaman at labag sa MOA, ipinahiwatig ni Ebdane na maaari pa ring gamitin ang mga sundalo sa pagdadala ng mga balota at elections results at iba pang paraphernalia. (Malou Escudero)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES AND THE MEMORANDUM OF AGREEMENT

BAYAN MUNA REP

DEFENSE CHIEF HERMOGENES EBDANE JR.

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EBDANE

HELLO GARCI

HOUSE COMMITTEE

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with