Rekonsilyasyon kay Erap ipipilit ni Defensor
February 3, 2007 | 12:00am
Nanindigan si Presidential Chief of Staff Mike Defensor sa pagsusulong ng mga programang puputol sa hindi matapos na tunggalian ng mga partido-pulitikal, partikular na ang oposisyon na karaniwang bumabatikos sa anumang plano ng administrasyon.
Ayon kay Defensor, kahit anong pagbatikos ang gawin sa kanya ng mga kakakampi niya sa administration ticket ay hindi pa rin magbabago ang paninindigan niyang mapagkasundo sa iisang prinsipyo ang grupo ni dating President Joseph Estrada at kasalukuyang administrasyon.
Nauna rito, kinukuwestiyon ni Surigao Rep. Prospero Pichay ang pagsisikap ni Defensor na mabuo ang isang partidong kakatawanin ng magkabilang grupo.
Sinabi ni Defensor na matapos pa lamang ang Edsa Dos ay iniabot na niya ang "kamay ng administrasyon" para sa pakikipagkasundo sa kampo ng dating Pangulo.
"Katunayan, may mga pagkakataon na nagtutungo ako sa kinapipiitan ng dating Pangulong Estrada sa Sta. Rosa, Laguna o kahit pa sa Tanay, Rizal para lamang tiyakin na nasa maayos siyang kalagayan," sabi pa ni Defensor.
Tahasan ding sinabi ni Defensor sakaling matapos na ang hidwaang-pulitika, ang buong bansa pa rin ang makikinabang dahil mas magiging madaling maisulong ang mga programang pangkabuhayan at pang-ekonomiya.
Hinikayat din ng kalihim ang mga nagbabalak kumandidato sa eleksiyon na huwag samantalahin ang isyu ng rekonsiliyasyon na kanyang isinusulong dahil lehitimo niya itong ipinaglalaban kahit noong nasa Kongreso pa lamang siya. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Ludy Bermudo | 15 hours ago
Recommended