^

Bansa

Mas malaking rally ng mga DH kasado na

-
Nakatakdang magsagawa ng mas malaking rally ang libu-libong domestic helper kasama ng 11 malaking organisasyon ng iba’t-ibang recruitment agency sa bansa para patuloy na iprotesta at tutulan ang bagong patakaran na ipinapatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa press conference kahapon na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Federated Association of Manpower Exporters (FAME), nabatid na higit na malaki ang kanilang nakatakdang ilunsad na rally sa harap ng tanggapan ng DOLE sa Martes.

Ayon kina Ed Mahiya, pangulo; Fred Palmiery, chairman at Domingo Jangayo, auditor ng FAME, nagsisilbi umanong ‘kalbaryo’ at unti-unting pagkawala ng trabaho ng mga DH ang bagong patakaran kaya sila patuloy na umaapila kay Pangulong Arroyo na ipatigil ang pagpapatupad nito.

Limang bagong patakaran ang sinasabing unti-unting ‘pumapatay’ sa mga DH na kinabibilangan ng pagpapataas ng suweldo mula sa dating US$200 ay ginawang US$400. Pagpapataas ng edad mula sa 18 ay ginawang 25. Mandatory testing mula sa mga accredited testing center ng TESDA at pagbabawal na pagkolekta ng placement fee ng mga lisensiyadong recruitment agency.

Ayon sa mga domestic helper, sa unang tingin ay pabor sa kanila ang bagong polisiya ng DOLE at POEA pero kung susuriin at kalaunan ay siya palang unti-unting ‘papatay’ sa kanila dahil hindi na kukuha ng Pinay DH ang mga employer sa ibang bansa dahil sa mataas na pasahod.

Magsasagawa rin ng kilos protesta ang mga DH sa Tuguegarao, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo at Zamboanga. (Mer Layson)

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DOMINGO JANGAYO

ED MAHIYA

FEDERATED ASSOCIATION OF MANPOWER EXPORTERS

FRED PALMIERY

MER LAYSON

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with