^

Bansa

7 sa 24 dinukot na OFWs sa Nigeria may sakit na

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang pito sa 24 overseas Filipino workers (OFWs) na 11 araw nang bihag ng mga armadong grupo sa Nigeria, makaraang magkasakit at halos sabay-sabay na atakihin ng hypertension at diabetes.

Sa impormasyon na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA) , sinasabing ‘critically ill’ ang pito at nangangailangan ngayon ng mabilis na medikasyon para manatiling buhay.

Base sa ulat ng Nigerian Newspaper na "The Punch" na ipinadala sa DFA, sinasabing dumaranas ngayon ng ‘hypertensive at iba’t-ibang komplikasyon ng sakit na diabetic ang pitong Marinong Pinoy.

Nabatid pa na tumawag ang mga bandido sa pamunuan ng Brawai Nigerian Limited na siyang employer ng mga OFW na humihiling na magpadala ng mga gamot para sa mga biktima.

Ang 24 Pinoy ay dinukot noong Enero 20 habang sakay ng isang cargo ship sa karagatan ng Niger Delta. (Rose Tesoro)

vuukle comment

BRAWAI NIGERIAN LIMITED

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENERO

MARINONG PINOY

NABATID

NIGER DELTA

NIGERIAN NEWSPAPER

PINOY

ROSE TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with