^

Bansa

Escudero tuloy na sa pagka-senador

-
Naghain na kahapon ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) si House Minority Leader Francis Escudero kasama ang kanyang misis at biyuda ng yumaong si Fernando Poe Jr. na si Susan Roces.

Sa panayam kay Escudero, sinabi nito na tinanggihan niya ang alok ng administrasyon na sumali sa kanilang senatorial ticket kaya’t maaga itong naghain ng kanyang CoC upang pawiin ang pangamba na makikipag-alyansa siya sa administrasyon.

Inihayag din ng batang Kongresista na sa loob n glinggong ito ay ilalabas na nila ang pinal na listahan ng oposisyon para sa kanilang senatorial ticket kung saan kabilang siya.

Nanatili rin umano ang political force ng opposition sa pamumuno ni dating President Joseph Estrada sa kabila ng pagkalas ng iba nilang miyembro.

Pinabulaanan din nito na nagsisimula ng mag-collapse ang oposisyon matapos na mag-resign sina dating Senador Tito Sotto III at Tessie Aquino-Oreta mula sa Laban ng Demokratikong Pilipino.

Samantala, sinabi naman ni Roces na wala siyang planong tumakbo bilang Senador at sa halip ay susuportahan na lamang niya ang mga kandidato ng oposisyon at iginiit din nito na mananatili silang magkakaibigan nina Sotto at Oreta sa kabila ng usap-usapan na tumawid na ang dalawa sa kampo ng administrasyon. (Gemma Amargo-Garcia)

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

DEMOKRATIKONG PILIPINO

FERNANDO POE JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SENADOR TITO SOTTO

SUSAN ROCES

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with