Ayon kay Rafael M. Garcia III, chairman at CEO ng Mega Data, magkakaroon ng sariling kopya ng source code ng lahat ng programang nilalaman ng Botong Pinoy ang technical staff ng ahensiya kabilang ang dominanteng partido ng administrasyon at oposisyon.
Ipinaiwanag ni Garcia na ipapasuri niya ang software upang magsagawa ng ebalwasyon at matiyak na walang built-in technical routines na maaaring pumabor sa partikular na partido o indibidwal bago I-lock at gamitin ang sistema.
Ang Botong Pinoy ay gumagamit ng ordinaryong personal computer kaya puwede sa halalan ang "PC ng Bayan" ng Department of Budget and Management (DBM) at hindi na nangangailangan ng public bidding para sa bagong computer.
Ayon pa kay Garcia, end-to-end solution ang Botong Pinoy na pawang modular ang kabuuan na siyang ipinakita ng kompanya sa isinagawa nitong presentasyon sa Comelec at Senado kamakailan.
Tiniyak ni Garcia na walang ipagagamit na hardware sa implementasyon at walang kikitain sa libreng paggamit ng Botong Pinoy. (Rudy Andal)