DPWH employees ayaw kay Soriquez
January 30, 2007 | 12:00am
Tinutulan ng mga empleyado ng Department of Public Works and Highways ang maugong na pagtatalaga kay dating DPWH Undersecretary Florante Soriquez bilang kapalit ni Sec. Hermogenes Ebdane na umanoy itatalaga sa DND post.
Nanawagan ang mga empleyado at senior officials ng DPWH kay Pangulong Arroyo na magtalaga na lamang ng ibang officer-in-charge maliban kay Soriquez.
Ayon sa mga empleyado, hindi umano naging epektibong kalihim si Soriquez noong una na itong itinalaga bilang OIC sa DPWH sa halip ay lalo lamang umanong lumala ang graft and corruption.
Anila, may bahid umanong alingasngas ang panunungkulan ni Soriquez bunsod ng ilang anomalya na may kaugnayan sa Mega Dike project sa Pampanga.
Anila, kung sakali umanong italaga pa rin ni PGMA si Soriquez ay magsasagawa sila ng sunod-sunod na kilos protesta sa harap ng kanilang punong tanggapan sa Port, Area, Maynila tulad ng una na nilang isinagawa kaya napatalsik ito sa puwesto.
Sinabi ng grupo, marami naman umanong kuwalipikadong senior official ng DPWH na maaaring ipalit kay Ebdane bastat huwag lang si Soriquez upang hindi na umano maulit ang ilang maanomalyang proyekto sa kagawaran. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended