LP-NP magsasanib puwersa
January 30, 2007 | 12:00am
Magsasanib puwersa ang Nacionalista Party at Liberal Party para bumuo ng isang senatorial tiket na siyang ikakasa nila sa darating na halalan.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan, National Chairman ng Liberal Party (LP) patuloy ang pag-uusap ni Sen. Franklin Drilon, Presidente ng LP sa kampo ni Senate President Manuel Villar, pinuno ng Nationalista Party (NP).
Kabilang si Sen. Pangilinan sa mga nominado ng LP kasama sina Reps. Benigno Aquino 111, Nereus Acosta, Erin Tañada, Ruffy Biazon at dating Dep Ed Secretary Butch Abad ng idaos ang kanilang 61st anibersaryo kahapon.
"Nagkaroon na ng meeting of minds that it will be good for the NP and LP to come together in a coalition this coming 2007 polls", pahayag ni Pangilinan.
Nilinaw din ni Pangilinan na bukas din ang kanilang grupo sa pakikipag-usap sa ibang mga partido-pulitikal na kaparehas ng kanilang plataporma at prinsipyo.
Ganito rin ang naging pahayag ni Sen. Villar, na umaasang sa dakong huli ay magkakasama din ang dalawang partido.
Bitbit ni Sen. Villar sina Sen. Ralph Recto, Rep. Allan Peter Cayetano, at si Sen. Joker Arroyo sa isasabak niya sa darating na eleksyon. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am