Summit kontra-daya!
January 30, 2007 | 12:00am
Maglulunsad ng 4-party summit kontra sa dayaan si Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng pakikipagpulong nito sa mga kinatawan ng Simbahan, private at government sector at pulisya upang masiguro ang isang malinis at mapayapang halalan sa darating na Mayo partikular sa itinuturing na "hot spots".
Ang nasabing summit kontra sa dayaan ay inaasahang dadaluhan ng mga opisyal ng Commission on Elections, Catholic Bishops Conference of the Philippines, poll watchdog groups at Philippine National Police.
Ang summit na ito ang tugon ni PGMA sa panawagan ng Simbahang Katoliko at iba pang grupo upang masiguro na magkakaroon ng malinis at mapayapang halalan sa Mayo 14.
"The Bishops and I are one track for clean and peaceful elections and the administration will continue to work with all institutions and sectors to see that this happens," wika pa ni Mrs. Arroyo.
Siniguro din ng Pangulo na magkakaroon ng "transparent poll procedures" para hindi magkaroon ng hinalang may magaganap na dayaan sa halalan at babantayan ding mabuti kung sino-sinong kandidato ang gumastos ng sobra sa kanilang pangangampanya.
Sa ipinalabas na Pastoral Letter ng CBCP ay inihayag nitong hindi makakayanan ng bansa kung magkakaroon ng dayaan sa darating na halalan kaya nanawagan sila sa ibat ibang organisasyon na tumulong para masigurong may kredibilidad ang darating na poll exercise.
Nanawagan naman si PGMA sa mga kandidato, mula sa administrasyon o oposisyon, na magkaisa at magkasundo ang mga ito para sa pagkakaroon ng pantay na eleksyon sa halip na magsiraan at mag-away ay nanawagan siyang palakasin ang plataporma ng mga ito para makapamili ng nararapat na kandidato ang taumbayan. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 5, 2024 - 12:00am