^

Bansa

Oreta, Sotto kinontra ni Pichay

-
Mahigpit na tumutol kahapon si Rep. Prospero Pichay sa napaulat na pagpasok ni dating Senador Tessie Aquino Oreta at Vicente Sotto III, kapwa kaalyado ni dating Pangulong Estrada sa administration ticket dahil mawawalan umano ng kredibilidad ang partido.

Ayon kay Pichay, hindi dapat papasukin sina Oreta at Sotto sa administration ticket dahil magbubukas ito ng pagbatikos na tinatanggap ng administrasyon ang mga political opportunists at binabalewala ang prinsipyo ng katapatan sa partido.

Bukod sa kaliwa’t kanang pagbatikos, walang mukhang ihaharap ang administrasyon kung papayagan nito na isama sa listahan ng administration ticket sa Senado sina Oreta at Sotto.

"Nasaan ang prinsipyo dito? Baka maakusahan pa tayong mga oportunista at binalewala ang panindigan at katapatan," ayon kay Pichay.

Matatandaan na kasama sina Oreta at Sotto sa mga miyembro ng oposisyon na nag-aakusa kay Pangulong Arroyo ng pandaraya, pagnanakaw at pagsisinungaling.

Iminungkahi din ni Pichay sa administrasyon na magsasagawa ng multi-party caucus upang maiwasan ang anumang laglagan sa senatorial line-up ng koalisyon, sakaling ipilit ang pagkuha kina Sotto at Oreta.

Gayunpaman, magkakaroon man ng konsultasyon sa lahat ng partido, mananatiling tutol si Pichay sa pagpasok sa koalisyon ng mga dating kaalyado ng pinatalsik na pangulo.

Naniniwala din ang Kongresista na "ill-advised" ang nasabing mungkahi at taliwas ito sa disiplina at katapatan sa partido, bukod pa sa binibigyan nito ng pabor ang mga oportunista sa larangan ng pulitika.

Nanindigan din si Pichay na wala siyang personal na galit kina Sotto at Oreta at tinututulan lamang nito ang matawag na oportunista ang administrasyon. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

MALOU ESCUDERO

ORETA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

PICHAY

PROSPERO PICHAY

SENADOR TESSIE AQUINO ORETA

SOTTO

VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with