Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos na inatasan na umano ni Vice-President Noli de Castro ang Task Force Lebanon na repasuhin ang inilatag na contingency plan para sa mga OFWs doon dahil sa lumalalang banta ng mas mainit pa na tensiyon at kaguluhan doon.
"This is a very kind of threat compared with one last July that was the air strike of Israel and Lebanon. Now there could be civil unrest threat so we have our contingency plan and locate all OFWs which is the instruction of Vice-President de Castro," pahayag pa ni Conejos.
Nabatid pa kay Conejos na ang nasabing kaguluhan sa Lebanon ay lubhang napaka-delikado para sa sitwasyon ng mga OFWs doon dahil mismong ang mga Lebanese ang pawang nagsasagupaan ngayon.
Malapit din umano sa mga paliparan ang pinagdarausan ng mga Lebanese ng kaguluhan dahilan upang mas lalong mahirap ang gagawing paglikas sa mga OFWs.
Nabatid pa kay Conejos na mula nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga Lebanese na panig at kontra sa kasalukuyang administrasyon ay apat na katao ang nabaril sa mga lansangan at umaabot naman sa mahigit sa 200 ang nasaktan.
Dahilan rin ito upang maglabas ng kanila ring pahayag ang US Embasy sa Beirut hinggil sa lumalalang tensiyon sa Lebanon.
Kaugnay nito, pinayuhan na rin ng DFA ang Philippine Embassy sa Beirut na agad na gumawa ng listahan kung ilang OFWs ang nasa Lebanon at kung magkano ang halagang gagastusin para sa isasagawang diplomatic mission at paglikas sa mga ito.