Ebdane sa defense post?
January 25, 2007 | 12:00am
Mistulang kinumpirma ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang paghirang kay Public Works Secretary Hermogenes Ebdane upang maging susunod na kalihim ng Department of National Defense (DND).
Bagamat walang first hand information si Sec. Ermita tungkol sa paghirang kay Ebdane sa defense post ay inihayag nitong magkakaroon ng major appointment ang Pangulo sa pagtatapos ng buwan na ito pagdating ni PGMA mula sa Switzerland.
Nakatakdang umalis ngayon si Pangulong Arroyo patungong Davos, Switzerland para dumalo sa World Economic forum at inaasahang makakabalik ito ng bansa sa Enero 27.
Wika pa ni Ermita, kung sakaling si Ebdane nga ang hihirangin ng Pangulo upang pamunuan ang DND ay wala naman siyang impormasyon kung sino ang papalit dito sa Department of Public Works and Highways (DPWH). (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest