Ayon kay Atty. Rufino Policarpio, legal counsel ng Vibal, ang kanilang kumpanya umano ay biktima ng walang tigil na "media attacks" matapos sila ang sisihin sa error ng mga textbooks kaya sinusuportahan nila ang pagdinig ng senate sub-committee on textbooks at senate blue ribbon committee ukol sa textbook scam.
Nais ng Vibal na maibalik ang kanilang reputasyon na nasira dahil sa nasabing media attack. Sa kanilang ika-53 anibersaryo, patuloy pa rin umano silang gumagawa ng mga librong may mataas na kalidad na siguradong malaki ang maitutulong sa pagunlad ng mga Pilipinong mag-aaral.
Ipinagmalaki din ng kumpanya na mayroon silang "state-of-the-art equipment" na kayang gumawa ng 100,000 libro kada araw at sila lamang ang tanging kumpanya na mayroon nito sa buong Pilipinas at isa sila sa limang mayroon nito sa South East Asia.
Sinabi rin ng Vibal, ang kanilang kumpanya ay walang kinalaman sa mga paratang na ibinabato na sila ang naglimbag ng mga textbooks na mayroong mga error. (Rudy Andal with trainees Kathleen Elipse and Merdelle Sarria)