Erap uuwi na sa San Juan Sec. Defensor
January 24, 2007 | 12:00am
Tiwala si Presidential Chief of Staff Mike Defensor na malapit nang magkaroon ng katuparan ang matagal na niyang panawagang pauwiin muna sa kanilang tahanan si dating Pangulong Joseph Estrada habang naghihintay ng desisyon ng Sandiganbayan sa kasong plunder.
Ayon kay Sec. Defensor, makatutulong na maayos ang hidwaan sa pagitan ng oposisyon at administrasyon kung papayagan na si Estrada na makabalik muna sa kanilang tahanan upang makatulong sa pag-aalaga ng may sakit niyang ina na si Doña Mary.
Binigyang-diin ng kalihim na ang manipestasyon ng hindi pagtutol ni Prosecutor Dennis Villa-Ignacio ay palatandaang mas magiging madali ang proseso ng pagpayag sa dating Pangulo na makalabas sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal.
Sakaling katigan ng anti-graft court, umapela na naman si Defensor sa dating Pangulo na gamitin ang pagkakataon na maging bahagi ng pagsisikap na pag-abutin ang kamay ng oposisyon at administrasyon.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Defensor ang pansamantalang pagpapalaya sa dating Pangulo ay matagal na niyang hinihiling kahit noong wala pa siyang planong kumandidato.
Nilinaw ng kalihim na hindi nagbabago ang kanyang posisyon sa pagkakaloob ng temporary liberty kay Mr. Estrada dahil naniniwala siyang ito na lamang missing link o magsisilbing-daan upang mabawasan ang tensiyon sa pulitika sa bansa. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended