Ayon kay Senate President Manuel Villar Jr., kapag nagkasundo ang mga mambabatas sa mga amendments na ipinapasok sa anti-terror bill ay malamang na maipasa ito bago magtapos ang sesyon ng Kongreso sa susunod na buwan.
Pero iginiit ni Senate Minority Aquilino Pimentel Jr. na dapat munang mapino at maamyendahan ng husto ang panukala bago ito maipasa ng Senado para masigurong hindi malalabag ang karapatang pantao ng taumbayan.
Wika pa ni Pimentel, 88 ang panukala niyang amyenda sa anti-terror bill na inisponsoran ni Sen. Juan Ponce Enrile at kabilang dito ang pagbabawas sa detention period ng mga maaarestong suspected terrorist mula 15 days ay gawing 3 days na lamang na inayunan naman ni Pimentel. (Rudy Andal)