ASG naghahanap na ng bagong lider
January 23, 2007 | 12:00am
Naghahanap na umano ng bagong lider ang mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ni Khadaffy Janjalani matapos makumpirmang patay na ito.
Kabilang sa mga pinagpipiliang ipalit kay Janjalani ang natitirang top leaders na sina Radulan Sahiron, Isnilon Hapilon, Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula.
Sa tatlo ay si Sahiron o alyas Kumander Putol ang umanoy napipisil ng grupo na maging bagong pinuno. Mahaba umano ang karanasan sa pakikipaglaban ni Sahiron.
Nabatid na kasama ng tatlong tinutugis na Abu leaders ang Jemaah Islamiyah terrorist na sina Dulmatin at Omar Patek, pawang hinihinalang utak sa Bali bombing noong 2002 na pumatay ng mahigit 200 katao.
Sina Dulmatin, may patong sa ulong $10M at Patek, $1M ay kinakanlong ng ASG sa Sulu. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest