Si Blancaflor ay kilalang masugid na kontra-terorismo at masasabi ngayon na nakahanap na ng katapat ang mga terorista, anang impormante.
Simula nang maitayo ang Anti-Terrorism Task Force noong Marso 2004, aktibo si Blancaflor sa pagbaka ng terorismo sa lahat ng larangan. Pangunahin ang ATTF bilang sentrong ahensiya ng pamahalaan na tumutugon sa mga isyu ng terorismo, nagsasagawa ng pagkilos sa anti-terrorism at nagsa-pormal ng anti-terrorism campaign ng Pilipinas.
Apat na araw matapos maitayo ang ATTF, inilantad ni Blancaflor sa publiko ang Kosovo 6 na pawang sangkot sa M/V Superferry 14 bombing at ilan pang kidnapping sa Mindanao.
Pinangunahan din ng opisyal ang pagpigil sa malawakang banta ng pambobomba noong 2005 Holy Week at 2006 Ermita bombing ng Rajah Solaiman Movement.
Bukod sa ganitong uri ng dedikasyon, naisagawa rin ng ATTF ang pag-neutralize ng mahigit 300 local at foreign terrorist personalities na nagkukuta sa Pilipinas na siyang kumalap ng pagkilala at suporta mula sa loob at labas ng bansa, paganahin ang kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo sa kabila ng kawalan ng kaukulang batas hinggil dito.
Bilang abogado sa maritime at political law at sa kanyang personal at propesyunal na desisyon sa kampanya ng Pilipinas laban sa terrorismo, umani si Blancaflor ng respeto mula sa dayuhang counterparts na palagiang humihingi ng kanyang katuruan, opinyon at pahayag. (Joy Cantos)