^

Bansa

Ombudsman, DILG inawat ni Defensor sa ‘suspension festival’

-
Nanawagan si Presidential Chief of Staff Mike Defensor sa Office of the Ombudsman at Department of Interior Local Government (DILG) na tumulong sa "political ceasefire" na isinusulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpigil sa anumang aksiyon na magiging sanhi ng lalo pang pagkakahati-hati ng mamamayan.

Ayon kay Defensor, ang serye ng suspensiyon sa mga local executives na ipinatupad ng DILG at Ombudsman ay nakadagdag pa sa problema ng bansa ngayong umiiral ang election period.

Bagama’t inirerespeto ni Defensor ang indipendensiya ng DILG at Ombudsman, sinabi nito na hindi rin naman makakabawas sa kapangyarihan ng ahensiya kung ikukunsidera ang pansamantalang pagpigil sa kanilang mga aksiyon laban sa mga local executives na nahaharap sa kaso.

"Alam naman natin na kahit noong hindi pa election period ay nagkakaroon na tayo ng pagkakahati-hati dahil sa magkakaibang paniniwala sa pulitika, sana naman, hindi na natin madagdagan para na rin sa kapakanan ng ating bansa," sabi pa ni Defensor na kasama sa administration ticket para sa pagka-senador.

Naniniwala si Defensor na ang ilang buwang pagpigil sa aksiyon ng Ombudsman at DILG ay makababawas sa tensiyong pangpulitikang umiiral sa maraming lokalidad. (Doris Franche)

ALAM

AYON

BAGAMA

DEFENSOR

DEPARTMENT OF INTERIOR LOCAL GOVERNMENT

DORIS FRANCHE

NANAWAGAN

NANINIWALA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF MIKE DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with