P1.12-B kinita ng BIR sa SBMA
January 20, 2007 | 12:00am
Nananatili bilang pangunahing revenue-earning agency ang Bureau of Internal Revenue (BIR) - Subic District office matapos makapag-ambag sa kaban ng pamahalaan ng P1-bilyon buwis sa Subic Bay Freeport.
Base sa ulat na isinumite kay BIR Commissioner Jose Mario Bunag, iniulat ni Subic Revenue District Officer (RDO) Edgardo Tolentino na ang kanilang ahensya ay nakapangkolekta ng kabuuang P1.12-bilyon mula sa 5% ng withholding taxes mula sa 62, 000 manggagawa, gross taxes naman sa mga rehistradong Freeport enterprises at mga resibo ng buwis.
Idinagdag pa ni Tolentino na ang collection target na P950-milyon noong 2006 ay nalagpasan ng 18 porsiyento kung kayat ang year-end collection ng BIR ay umabot sa P1.12-bilyon buwis na nailagay na sa kaban ng bayan.
"Tuluy-tuloy pa rin ang paglaki ng ating revenue collections sapagkat sa matagumpay at sipag ng kasalukuyang administrasyon ng SBMA na makapagbigay ng libu-libong bagong trabaho sa pamamagitan ng pagpupursige sa mga lokal at dayuhan na mamumuhunan sa Freeport," pahayag ni Tolentino.
Napag-alamang nakapag-labas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng P54-milyon noong 2006 at ipinamahagi sa mga munisipalidad sa palibot ng Subic Freeport at Clark Special Economic Zone bilang bahagi ng kanilang pagbibigay ng 5 porsiyentong gross income taxes na ibinayad ng mga imbestor sa loob ng dalawang economic zone.
Bagsak naman ang collection target ng tanggapan ng Bureau of Customs-Port of Subic (BoC-PoS) sa pamumuno ni Customs Collector Marietta Zamoranos na pinaniniwalaang patuloy pa rin ang mga mala-anomalyang transaksyon at kurapsyon sa loob ng naturang kawanihan. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended