Chinese community kabado: Kidnapping tumaas na ngayong election period
January 20, 2007 | 12:00am
Nangangamba ang Fil-Chinese community sa buong bansa dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga Tsinoy na nakikidnap at posibleng lalo pang lumala dahil sa "fund raising" ng ilang kandidato na sangkot sa illegal na gawain upang gamitin ngayong darating na May elections.
Bagamat walang datos na binanggit, sinabi ni Teresita Ang-See, chairperson ng Citizens Action Against Crime (CAAC) na tumaas ang bilang ng mga Tsinoy na biktima ng kidnapping sa buong bansa sa pagpasok ng taong 2007.
Karamihan umano sa mga krimeng ito ay hindi na ipinaabot pa sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagdududa ng mga kaanak ng mga biktima sa kapulisan.
Ayon kay Ang-See, ang mga negosyanteng Tsinoy ang partikular na target ng mga kidnap-for-ransom gang kung saan hinala nila na ang ilan ay mga pulitiko rin ang utak upang makalikom ng pondo para gamitin sa kanilang pangangampanya at pambili ng boto.
Ayon naman kay Manila Police District acting director Sr. Supt. Danilo Abarzosa, nakabantay naman ang kanilang puwersa at nakikipag-ugnayan sila sa mga opisyal ng barangay at "force multiplier" na gamit din nila sa "intelligence gathering".
Matibay din umano ang kanilang ugnayan kay Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) president Francis Chua na regular na nagrereport sa kanila kung may naganap na kidnapping o maging "illegal arrest at harassment" ng mga pulis sa kanilang mga Tsinoy.
Sa kabila nito, sinabi ni Ang-See na kahit na sinasabing nakahanda ang PNP sa mga krimen ay hindi naman umano sila sigurado kung matutuunan ng atensyon ang kanilang mga kaso dahil sa abala ang kapulisan sa ibang mga bagay tulad ng pagpapatupad ng gun ban, pagbabantay sa election hot spots, private armies at mga kahilingan ng mga kandidato para mabigyan ng proteksiyon. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended