Ali Atienza inendorso na para Mayor
January 19, 2007 | 12:00am
Itinaas na ni Manila Mayor Lito Atienza ang kamay ng kanyang anak na si Ali Atienza bilang kanyang manok na tatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na eleksiyon sa Mayo.
Sa isinagawang State of the City Address (SOCA) kahapon sa Rajah Sulayman sa Roxas blvd., pormal na inendorso ng alkalde si Ali na siya ring Chairman ng Inner City Development.
Ang kanya umanong desisyon ay dahil na rin sa naging resulta ng kanilang konsultasyon sa ibat ibang sektor sa Maynila tulad ng kababaihan, kabataan, non-government organizations (NGO), simbahan at barangay.
Subalit wala pang inihayag na vice-mayoralty candidate ni Ali at kasalukuyan pa rin umanong sumasailalim sa konsultasyon ang tatlong pinagpipilian tulad nina Manila Deputy Mayor Don Bagatsing, 6th District; Councilor Greco Belgica at 1st Dist. Rep. Ernesto Banzai Nieva.
Sa tatlo, si Bagatsing umano ang mas lamang dahil sa nauna na itong makapangampanya noong tumakbo ring itong bise alkalde ng taong 2004. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest