"Huwag magpadala sa mga kasikatan ng mga artista at galing sa pananalita ng mga pulitikong nagnanais na tumakbo sa darating na halalan sa Mayo," payo sa mga botante ng PPCRV.
Ayon kay PPCRV Chair Henrietta de Villa, hindi dapat idinadaan sa katanyagan ang pagtakbo sa eleksyon dahil seryosong tungkulin umano ang gagampanan ng mga ito sakaling manalo.
Marapat lamang aniya na suriing mabuti kung malinis ang hangarin nito sa kanyang pagtakbo at dapat ay malinaw silang plataporma.
Ayon pa kay de Villa, ang mga kandidatong maka-Diyos, makatao, makabayan, may pagpapahalaga sa demokrasya at may integridad ang dapat na iluklok sa pwesto.
Puspusan ang pagsasagawa ng information campaign ng PPCRV upang mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga botante. (Mer Layson)