Tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon na matatanggap ng tispster ang naturang reward na inilaan ng pamahalaan ng Estadoos Unidos sa ulo ni Solaiman.
Ayon kay Esperon, dadaaan sa tamang proseso ng batas ang nasabing masuwerteng tipster na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan para na rin sa seguridad nito at ng kanyang pamilya sa posibleng resbak ng mga kasamahan ni Solaiman.
Kaugnay nito, hinikayat ni Esperon ang publiko na kung may nalalaman ang mga ito sa mga kinaroroonan ng nalalabi pang lider ng Abu ay agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Kabilang pa sa tinutugis na lider ng Sayyaf sina Kumander Isnilon Hapilon, Radulan Sahiron at tinatayang 350 puwersa nito na target durugin ng Oplan Ultimatum ng AFP. (Joy Cantos)