Sa pagkalason ng 103 performers: Caterer sa ASEAN kakasuhan
January 17, 2007 | 12:00am
CEBU City Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang food caterer na naghanda ng pagkaing nakalason noong Linggo sa may 103 performers ng 12th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Nabatid na mismong ang mga biktima ang magsasampa ng kaso laban sa namamahala ng Majestic Catering Services, isang private catering na nakabase sa Cebu.
Sa panayam ng PSN kay Cebu City Mayor Tomas Osmeña, nabatid na walang kaukulang sanitary permit to cater ang nasabing catering services at ang tanging permit lamang ng mga ito ay para sa kanilang restaurant.
Naniniwala si Osmeña na ang ulam na lechon bukod pa sa inihaw na pusit ang naging sanhi ng food poisoning na aniya ay kinamay lamang ng mga tauhan ng catering services nang i-chop ito at mainit pang inilagay sa pack-lunch.
"When you touch the food by your hands when it is hot, the bacteria will surely and easily spread quickly," pahayag pa ni Osmeña.
Ang isang pagkakamali pa umano ng nasabing catering services ay alas-8 pa lamang ng umaga ay inilagay na sa styro ang pagkain na itinakda para sa lunch at dinner ng mga delegado kaya mas lalong lumaki umano ang tsansa ng pagkapit at pagkalat ng bacteria sa pagkain.
Ayon pa kay Osmeña, may problema sa sanitation at food handling ng pagkain na nagresulta sa nasabing pagkalason.
Sinabi pa ni Osmeña na hindi niya maaaring pigilin ang mga biktima sa pagsampa ng kaso dahil karapatan nila ito dahil sila ang unang naging apektado.
Samantala, pinag-iisipan naman ng Department of Health (DOH) kung magsasampa din ito ng kaso laban sa nasabing catering services.
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa umano ng DOH ang lahat ng resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng investigating team na ipinadala ng 12th ASEAN task force health.
Magugunita na kasama sa mga nalason ang kapatid ni Leah Salonga na si Gerald na kasamang nag-perform noong Sabado ng gabi ng mga biktima sa ginanap na "Spouses Night" sa Shangrila Mactan, Lapu-Lapu.
Dakong alas-5 ng madaling-araw nang halos sabay-sabay na isinugod sa ibat ibang pagamutan ng Cebu ang mga biktima na unang nakaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagtatae.
Nilinaw naman ni Osmeña na walang kinalaman ang Shangrila sa pagkalason ng mga biktima dahil hindi naman galing sa kanila ang pagkain. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest