^

Bansa

Bawal kumandidato

- Ni Angie dela Cruz -
Matapos sibakin sa puwesto, pinagbawalan din ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kumandidato sa darating na May 2007 elections sina Iloilo Gov. Niel Tupas; Jaen, Nueva Ecija Mayor Prospero Esquivel, Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad at 12 iba pang local officials kaugnay sa kasong administratibo at graft na isinampa laban sa mga ito sa tanggapan ng Ombudsman.

Ayon kay DILG Sec. Ronaldo Puno, ang dismissal orders ay batay sa kautusan na ipinalabas ni Ombudsman Merceditas Gutierrez at pinabulaanan na may kulay pulitika ang ginawa nilang hakbang.

Niliwanag ni Puno na sakop ng dismissal order ang parusang pagka-disqualify mula sa public office ng mga nabanggit at hindi rin pinapayagan ng batas ang mga dinismis na opisyal na mag-file ng kanilang kandidatura para sa darating na eleksiyon.

Si Gov. Tupas ay inalis dahil sa kasong graft kaugnay sa pondong inutos niyang ipalabas para sa isang seminar na hindi naman naganap. "He released the check to a person instead of an organization," sabi ni Puno.

Si Esquivel ay nadismis dahil sa iligal na pagsibak sa mga empleyado ng water district.

Nag-ugat naman ang kaso ni Trinidad sa maanomalyang kontrata sa basura. Sinibak din ang kanyang vice mayor at 11 konsehal.

Kahapon ay ikinasa na rin ng pamunuan ng DILG ang preventive suspension kay Batangas Governor Armand Sanchez.

Ang suspension kay Sanchez ay nag-ugat naman sa graft charges na isinampa ni Batangas Vice Gov. Ricky Recto noong 2004 na may kaugnayan sa P350-million computerization program na hindi umano dumaan sa public bidding.

"Let me make it clear that the DILG is merely the implementor of these dismissal orders which did not originate from our department but from the Office of the Ombudsman..we are merely following the Ombudsman orders," ani Puno.

Nitong nakaraang linggo, inutos ni Puno ang pagsuspinde kina Mamburao, Occidental Mindoro Mayor Joel Panaligan; Aguilar, Pangasinan Mayor Ricardo Evangelista at Vallehermoso, Negros Oriental Mayor Joniper Villegas.

BATANGAS GOVERNOR ARMAND SANCHEZ

BATANGAS VICE GOV

ILOILO GOV

NEGROS ORIENTAL MAYOR JONIPER VILLEGAS

NIEL TUPAS

NUEVA ECIJA MAYOR PROSPERO ESQUIVEL

OCCIDENTAL MINDORO MAYOR JOEL PANALIGAN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with