Pellet guns di sakop ng gun ban
January 15, 2007 | 12:00am
Nilinaw kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr. na hindi sakop ng kanilang ipinatupad na "gun ban" ang mga "pellet guns" na gamit ng ilan sa pamamaril ng ibon at isda.
Nanawagan rin si Abalos sa mga lehitimong may-ari ng baril na huwag ilabas ang mga armas kahit na may "permit to carry" sila dahil paglabag ito sa gun ban na nagsimula nang ipatupad ng PNP kahapon.
Posibe umanong maharap sa anim na taong pagkakulong at pagkadiskuwalipika sa eleksiyon ang mga mahuhuling lalabag.
Maaari naman umano na mag-aplay ng exemption sa Comelec ang sinuman kung sa palagay nila ay nanganganib ang kanilang buhay.
Kasali rin sa gun ban ang mga pulis at mga militar kung off duty ang mga ito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest