103 ASEAN delegates nalason
January 15, 2007 | 12:00am
CEBU City Nalason ang may 103 national at local delegates ng 12th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit performers dito makaraang makakain ng pusit at lechon na kasama sa pack-lunch na isinilbi sa kanilang hapunan sa ginanap na party ng mga asawa ng mga ASEAN prime ministers sa Shangrila Hotel, Mactan, Lapu-Lapu kamakalawa ng gabi.
Sa panayam ng PSN kay Dra. Susana Madarieta, overall commander ng 12th ASEAN Task Force Health, dakong alas-5 ng madaling-araw ng sabay-sabay na isinugod sa ibat ibang pagamutan ang mga biktima dahil sa tindi ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo at diarrhea.
Sa naturang bilang, 60 ang in-admit kabilang ang kapatid ni Lea Salonga na si Gerald.
Kasalukuyang inoobserbahan ang mga biktima sa tatlong pagamutan ng Cebu na kinabibilangan ng Cebu Doctors, Perpetual at Chung Hua Hospitals.
Ayon sa report, nakatakda sanang mag-perform sa gala dinner ng heads of state ang mga biktima ng makaramdam ng pananakit ng tiyan.
Sinabi pa ni Madarieta na acute gastroenteritis ang medical findings nito sa mga biktima na aniya ay nakuha ng mga ito sa kanilang kinain.
Nabatid na kanin, pusit, lechon ang pagkaing laman ng pack-lunch na kinain ng mga biktima para hapunan.
Ilang oras pagkaraan ay namilipit ang mga ito sanhi ng sobrang pananakit ng tiyan na sinundan ng pagkahilo at pagtatae.
Agad namang nagpadala ng investigating team ang Department of Health (DOH) at karagdagan pang medical team para imbestigahan ang nasabing insidente at upang alamin na rin kung may iba pang na-food poison.
May hinala naman ang ilan sa mga biktima na posibleng may red tide ang pusit na kanilang kinain dahil silang lahat umano ay sabay-sabay na naapektuhan.
Napag-alaman na magdamag na nag-perform ang mga biktima sa harapan ng mga asawa ng mga ASEAN leaders sa ginanap na "Spouses Nights" sa Shangrila Hotel.
Pinabulaanan naman ng Shangrila Mactan na sila ang naghanda ng pagkain. Galing umano sa isang private catering ang pagkain. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest