^

Bansa

Magkakamag anak sa pulitika giit ipagbawal

-
Dahil nasisilip na naman ang mga magkakamag-anak na tatakbo sa eleksiyon sa Mayo, hinamon kahapon ng isang miyembro ng oposisyon si Pangulong Arroyo na sertipikahang urgent ang Anti-Dynasty Bill na naglalayong ipagbawal ang mga magkakamag-anak sa pulitika.

Ayon kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, bagaman at marami ang magkakamag-anak sa pulitika, kung mismong si Arroyo ang magsusulong sa anti-dynasty at pagbabawalang  kumandidato ang kanyang mga kamag-anak ay siguradong susunod rin dito ang oposisyon.

Aminado si Cayetano na marami nang maituturing na ‘political dynasty’ sa bansa kung saan nangunguna ang pamilya Arroyo dahil sa balitang dalawang kapatid ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo ang kakandidato para sa House of Representatives at muling kakandidato si Pampanga Rep. Mikey Arroyo at tatakbo rin ang kapatid nitong si Datu Arroyo.

"Ang political dynasty sa buong bansa napakarami. Ang mga Arroyo nga apat ang patatakbuhin nila sa House of Representatives.

Dalawang kapatid ni First Gentleman, tapos yong dalawang anak ni First Gentleman at ni Presidente," ani Cayetano.

Bagaman at nasisilip rin ang posibilidad na magkaroon ng dalawang Cayetano sa Senado, sinabi ng solon na wala naman silang impluwensiya at wala silang kapangyarihan para i-elect ng taumbayan.

Aminado si Cayetano na sa isang ‘idealistic situation’, mas maganda pa rin kung ipatupad ang anti-dynasty.

Dahil may good at bad dynasty aniya, dapat matanggal ang mga pamilyang palpak ang pamumuno at hindi na pinaniniwalaan ng taumbayan. (Malou Escudero) 

ALAN PETER CAYETANO

AMINADO

ANTI-DYNASTY BILL

ARROYO

CAYETANO

DAHIL

DATU ARROYO

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with