Kasong kriminal sinagot na ni Nani

Nagsumite na ng kanyang motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman si dating Justice Secretary Hernando Perez na humihiling na baligtarin ang rekomendasyon nitong kasuhan siya ng kriminal dahil sa umano’y pangingikil ng $2 milyon mula kay dating Manila Rep. Mark Jimenez.

Sa kanyang 50-pahinang mosyon, sinabi ni Perez na ang tanggapan ng Ombudsman ay "incompetent" dahil sa umano’y paggamit nito sa mga "inadmissibe evidence" laban sa kanya, sa asawang si Rosario, bayaw na si Ramon Arceo at business associate na si Ernest Escaler kaugnay ng reklamo ni Jimenez.

Sinabi pa ni Perez na hindi siya binigyan ng tsansa ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na bigyan ng halaga ang testimonya ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na noon ay kasama ng dating Justice secretary nang kausapin si Jimenez hinggil sa posibleng pagtestigo sa kasong plunder laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Binigyang-diin pa ni Perez na hindi man lamang siya nabigyan ng due process ng Ombudsman para magpaliwa- nag at magkaroon ng panahon na masagot ang alegasyon laban sa kanya ni Jimenez.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Ombudsman Gutierrrez na pag-aaralan niya ang mga pahayag ni Perez at iimbestigahan ng kanyang tanggapan. (Angie dela Cruz)

Show comments