Sa panayam kay Ambassador Marciano Paynor, Jr., Sec. General ng ASEAN Summit National Organizing Committee, walang dahilan para mag-panic dahil hindi anya makakaapekto sa summit at sa kabuuang Cebu ang naturang insidente.
Wala rin umanong dapat na ikabahala para sa seguridad ng mga delegado na nangakong dadalo lahat sa summit.
Sinabi pa ni Paynor na ginawa umano ng ilang grupo ng mga rebeldeng Muslim ang naturang pambobomba bilang paghihiganti sa isinasagawang opensiba ng militar laban sa mga rebeldeng grupo at teroristang Muslim sa Mindanao.
Nanawagan naman si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa mga bisita at mga nagbabalak pang pumunta ng Cebu na maging mahinahon dahil lubhang napakaligtas umano ng Cebu.
Sinabi pa ni Garcia na walang gagawing pagbabago sa mga aktibidad ng summit at maging ang security plan na inilatag dito.
Kaugnay nito, patuloy naman ang 24-oras na pagbabantay ng may mahigit sa 6,000 miyembro ng 12th ASEAN security task force sa mga lansangan na dadaanan ng mga foreign delegates lalo na sa mga venues ng summit na kinabibilangan ng Cebu International Convention Center (CICC) sa Mandaue City at Shangrila Hotel sa Mactan, Lapu-Lapu. (Rose Tesoro)