Perez, pinapakanta ang mga kasabwat
January 10, 2007 | 12:00am
Hinihikayat kahapon ng ilang mambabatas si dating Justice Secretary Hernando Perez na ikanta kung sinu-sino ang mga nakinabang sa kontrobersiyal na $470-million power plant deal na nilagdaan sa pagitan ng pamahalaan at Argentine firm IMPSA (Industrias Metallurgicas Perscarmona, SA).
Ayon kay Bayan Muna Rep. Teodoro Casino, hindi kapani-paniwalang walang ibang nakinabang sa IMPSA deal.
Sinabi pa ni Casino na hindi dapat pumayag si Perez na maging fall guy sa nasabing transaksiyon na siyang nadidiin ngayon dahil sa reklamong isinampa ni dating Manila Rep. Mark Jimenez.
Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Joel Virador, mas makakakuha ng simpatiya mula sa taumbayan si Perez kung ibubulgar nito at isusumbong ang mga nakinabang sa kontrata.
Duda rin si Rep. Joel Villanueva sa timing nang pagsasampa ng kaso kay Perez dahil sa nalalapit na eleksiyon.
Posible aniyang nais ng gobyernong Arroyo na pagandahin ang imahe sa publiko at ipakita na lumalaban sa korupsiyon kaya isinasakripisyo si Perez.
Nauna rito, nilinaw ng Ombudman na walang kinalaman ang IMPSA deal sa kasong graft, extortion at falsification of public documents na isasampa laban kay Perez dahil ang kaso ay may kaugnayan sa pangongotong umano ng dating kalihim kay Jimenez upang hindi ito isama bilang akusado sa kasong plunder na kinakasangkutan ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ang $470-million IMPSA deal ay ang rehabilitasyon ng 750-megawatt Calirya-Botocan-Calayaan power complex sa Laguna na na-finalized noong Estrada administration, pero nahinto nang mapatalsik ang dating pangulo. Natuloy ang kontrata sa ilalim ng gobyernong Arroyo. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended