VFA commissioner nagresign
January 9, 2007 | 12:00am
Nagbitiw na sa kanyang puwesto si Zosimo Paredes, executive director ng Visiting Forces Agreement Commission, dahil sa umanoy magkaibang posisyon nila ni Pangulong Arroyo sa isyu ng paglilipat kay Lance Cpl. Daniel Smith sa custody ng US Embassy.
"I took a position whch is diametrically opposed to that of the administration, so I cannot sit well anymore with them, pahayag ni Paredes.
Bagaman sang-ayon si Paredes sa posisyon ng Pilipinas at Amerika na dapat manatili si Smith sa US custody habang naka-pending pa ang apela nito, subalit mali umano ang ating gobyerno nang agad nitong ilipat sa US Embassy si Smith ng walang pahintulot ng Korte.
Ayon naman kay Executive Secretary Eduardo Ermita, tama lang na magbitiw sa puwesto si Paredes dahil isang pagsuway kay Pangulong Arroyo ang kanyang inasal.
Sinabi ni Ermita na nasaktan ang Pangulo sa ginawa ni Paredes, subalit kailangan na nilang maghanap ng kapalit nito. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest