2 bagong obispo itinalaga ni Pope Benedict XVI

Nagtalaga ng dalawang bagong Obispo para sa Calbayog, Samar at Abra si Pope Benedict XVI nitong Biyernes ng gabi upang punan ang mga Dioceses sa bansa.

Itinalaga ng Santo Papa sina Bishop Isabelo Caibon Abarquez sa Diocese ng Calbayog. Papalitan nito si Archbi- shop Jose Palma na naitalagang arsobispo ng Palo, Leyte.

Inilagay naman sa Diocese ng Bangued, Abra bilang Obispo si Fr. Leopoldo Jaucian. Kasalukuyang naka- base si Father Jaucian sa Catholic Trade sa Sta. Cruz, Manila at papali- tan nito si Diocesan administrator Rev. Pablo Nilo Peig. (Danilo Garcia)

Show comments