Mcañang atras na rin sa pagrebisa sa VFA
January 7, 2007 | 12:00am
Umatras na ang Malacañang sa planong pagrerepaso ng nilalaman ng Visiting Forces Agreement (VFA) matapos tanggihan ng Amerika ang naturang panukala.
Sa isang pahayag, sinabi ni US Embassy spokesman Matthew Lussenhop na lubhang maaga pa para magsagawa ng pormal na pagrebisa sa VFA dahil hindi pa nadedesisyunan ang apela ni convicted rapist Lance Corporal Daniel Smith sa 40 taong pagkabilanggo na inihatol sa kanya ng Makati court kaugnay sa Suvic rape case.
Sa panayam kay Executive Secretary Eduardo Ermita, mas makabubuting isagawa ang anumang planong "pag-amyenda" sa malalabong probisyon sa VFA kapag tapos na ang isyu kay Smith upang maiwasang maulit ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Nilinaw pa ni Ermita na ang balaking ito ay walang intensiyong buwagin ang kasunduan na siyang basehan ng RP-US joint military exercises. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Ludy Bermudo | 22 hours ago
Recommended