^

Bansa

Pagsibak sa Comelec supervisor pinagdudahan

-
Nagpahayag ng pagdududa kahapon si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa ginawang pagsibak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr. kay Director Fernando Rafanan bilang supervisor ng Comelec-National Capital Region.

Sinabi ni Sen. Pimentel na hindi niya maiwasang mag-isip na kaya sinibak si Rafanan apat na buwan bago ang eleksyon ay baka may niluluto na naman ang administrasyon.

Ayon sa senador, maaring tinanggal sa puwesto si Rafanan dahil kilala itong tapat sa kanyang trabaho at baka mabulilyaso ang plano ng administrasyon na makapandaya sa darating na halalan.

Maaari rin umanong sagabal ang Comelec Director sa ginawang pagbuhay ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa peoples initiative kaya inalis ito sa puwesto at inilagay sa opisina ng Comelec chairman sa "floating status".

"Chairman Abalos should put Comelec director Rafanan back to his NCR post. Removing him now will be highly suspicious," wika ni Pimentel.

Noong 2004 elections ay ipinalipat ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano si Rafanan sa Eastern Visayas matapos na sirain nito ang mga oversized billboards, streamers at posters ng ilang kandidato.

Biyernes umano ibinaba ni Abalos ang order kay Rafanan na lisanin ang puwesto sa NCR upang manatili na lamang sa main office bilang "floating status." (Rudy Andal)

vuukle comment

CHAIRMAN ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

COMELEC DIRECTOR

COMELEC-NATIONAL CAPITAL REGION

DIRECTOR FERNANDO RAFANAN

EASTERN VISAYAS

RAFANAN

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with