Kaugnay nito, si Olongapo First Lady Anne Marie Gordon, sa ngalan ng alkalde ng lungsod, ay personal na iniabot ang mga Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga kuwalipikadong mamamayan.
Ang naturang assistance ay kinabibilangan ng financial, burial at medical assistance, gayundin ang pagpapahiram ng mga saklay at wheelchair para sa mga mamamayang may pinsala sa kanilang katawan.
Kabilang din ang pagkakaloob ng "free boarding assistance" para sa mga transient individuals na nag-nanais nang makabalik sa kani-kanilang mga lalawigan sa ilalim ng "Balik Probinsya Program" ni Gordon. Ayon sa kanya, ang mga ipinamamahaging tulong ay ibinabase sa mga liham o personal na dumudulog sa kanyang tanggapan.
Ang mga liham ay isinasailalim naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa isang assessment of pagsusuri upang makatiyak na ang mga mapapagkalooban ng tulong ay yung mga talagang nangangailangan na mamamayan.