Ito na ang pangalawang beses na pagtakbo ni Bagatsing bilang bise alkalde ng lungsod matapos itong maging running mate ni Manila Mayor Lito Atienza noong 2004 election sa ilalim ng Liberal Party.
Si Bagatsing ay mula sa angkan ng mga pulitiko sa Sampaloc, Maynila at base sa survey ng Philippine Social research center (Psrc), siya ngayon ang nanguguna sa mga kandidato sa pagka-bise na may 26%, na sinundan nina District 1 Rep. Banzai Nieva, Manila Councilors Isko Moreno at Robert Ortega.
Dahil dito, inaasahan na magiging maganda ang labanan hindi lamang sa pagka-mayor kundi maging sa bise.
Matatandaan na lumutang ang pangalan ni peoples champ Manny "Pacman" Pacquiao na siyang tatakbo bilang running mate ni Ali Atienza subalit mariin itong pinabulaanan ng una.
Gayunman, nagpahayag si Pacquiao ng buong suporta sa kandidatura ng huli. (Gemma Garcia)