Pagsuspinde sa IT fee ok sa Stradcom
January 6, 2007 | 12:00am
Sinang-ayunan ng Stradcom Corporation, ang IT provider ng Land Transportation Office (LTO), ang desisyon ni LTO Chief Reynaldo Berroya na pansamantalang suspendihin ang paniningil ng P50.00 rate adjustment para sa Private Emission Testing Center (PETC) Interconnectivity Project fees habang sinasaayos pa ng naturang kumpanya ang lahat ng technical problems ng sistema nito.
Sinabi ni Stradcom president Cezar Quiambao, nadiskubre ng Stradcoms technical team na may kailangang i-re-evaluate sa kasalukuyang sistema ng disenyo ng PETC ITF project upang higit itong maging mahusay sa anumang transaction handling.
"Stradcom has tapped and engaged the services of top notch personnel from Stradcoms strategic partners to assist the company to enhance the current system of the LTO PETC-ITF project," paglilinaw ni Quiambao.
Samantala, ang apat na four authorized IT providers tulad ng ETCIT, Oaxis, Eurolink, RDMS ay nagsabi kay Berroya na sila ay magpapatupad ng digital cam image capture system sa lahat ng mga sasakyan sa loob ng tatlong buwan na dadaan sa PETCs upang tuluyan nang maglaho ang insidente ng non appearance sa tuwing sasailalim sa emission testing ang mga irerehistrong sasakyan.
Wala naman itong dagdag na gastos sa panig ng gobyerno at sa mga may-ari ng sasakyan na iparerehistro sa LTO.
Humingi din ng paumanhin si Quiambao sa motoring public sa naganap na slowdown ng PETC-ITF system sa nakalipas na tatlong araw bunsod ng naganap na technical problem. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest