Sa panayam kay Atty. Bernas, sinabi nito na handa na ang ihahain nitong motion for reconsideration matapos na ibasura ng prosecution ang reklamong paglabag sa Anti-Dummy Law at pagkuwestiyon sa ownership share ng Fraport sa Piat-co, ang kompanyang gumawa ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.
Si Bernas, kasama ang mga miyembro ng Concerned Lawyers for Moral and Effective Leadership (CLAMOR) ay hiniling sa DOJ na ipagpatuloy ang kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Piatco at Fraport.
Kasama ni Bernas si Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina na humaharang sa expropriation case na isinampa ng gobyerno sa multi-bilyong piso halaga ng NAIA 3 matapos na ibasura ng prosecution ang pag-amin ng Fraport na nakuha na nito ang 40 porsiyento mula sa Piatco.
Sinabi pa rin ni Bernas na ang pag-amin ng Fraport ang siyang naging basehan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang isampa ang kaso sa DOJ. (Grace dela Cruz)