Balimbing bawal sa admin
January 6, 2007 | 12:00am
Hindi papayag ang Malacañang na makasama sa tiket ng administrasyon ang mga kandidatong tinaguriang "dual citizenship" o yung mga balimbing.
Ayon kay Presidential Political Adviser Gabriel Claudio, ang kailangan nilang kandidato ay isang tapat sa administras-yon at hindi iyong sa dakong huli ay babaligtad.
Inihayag ni Claudio na sa mga nakaraang administrasyon, ang administration ticket ay nagkaroon ng tinatawag na "guest candidates" mula sa oposisyon dahil naniniwala ang mga ito na malakas ang makinarya ng administration party kaya malaki ang kanilang tsansang manalo sa halalan.
Ngayon ay maraming kandidato mula sa ibat ibang partido ang luma-lapit sa kanila para makabilang sa administration ticket, kaya nilinaw ni Claudio na walang lugar para sa "political butter-fly" sa kanilang hanay.
Wala pang official lineup ang administrasyon mula sa local, House at Senate.
Malayo pa naman anya ang huling araw ng pagsusumite ng kandidatura na magsisimula sa Enero 14-Pebrero 12, 2007.
Pero kasama sa lineup ng administrasyon sina Rep. Prospero Pichay, Rep. Prospero Nograles, Rep. Ace Barbers, Rep. Miguel Zubiri, Health Sec. Francisco Duque, Tourism Sec. Ace Du-rano, Tesda chief Bobby Syjuco, Sens. Joker Arroyo, Ralph Recto at Kiko Pangilinan, gayundin si Presidential chief of Staff MikeDefensor. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest