Sinabi nina Bayan Muna Reps. Teddy Casino, Satur Ocampo, Joel Virador, Gabriela Rep. Liza Maza at Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Rafael Mariano na gumastos ang national government at Cebu Provincial Government ng P17.1 bilyon para sa pagho-host sa naturang summit.
Ang budget ay inilaan para sa rehabilatasyon ng kalsada, pagpapaganda ng ceremonial route mula Cebu Mactan Airport hanggang sa venue at tutulugan ng mga delegado at demolisyon ng mga squatters doon.
Mahigit sa 1,500 mahihirap na pamilya na nakatira sa daraanan ng mga delegado ang naapektuhan dahil sa naganap na demolisyon.
Sinabi ng mga mambabatas na mas kapaki-pakinabang kung inilaan ang pondo sa social services tulad ng health, education at pabahay sa mga residente ng Cebu.
Hiniling din ng mga kongresista na magsagawa nang auditing sa ginastos ng pamahalaan sa naturang summit dahil karapatan ng publiko na malaman kung magkano at papaano ginastos ang pondo dito. (Malou Escudero)