Inihayag ito ng isang mataas na opisyal ng Palasyo na ayaw magpabanggit ng pangalan matapos ihain kay Pangulong Arroyo ang shortlist ng kandidato bilang bagong defense chief.
Sa pagtataya ng opisyal, malamang katigan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Feliciano Commission dulot nang malawakang kahilingan ng maraming sektor na sibilyan ang italaga sa defense portfolio.
"Malaki ang posibilidad na sibilyan ang italaga sa defense portfolio dahil mas kinakatigan ni Pangulong Arroyo ang kahilingan ng nakakarami tulad ng mga naunang desisyon nito sa mga pambansang isyu," giit ng opisyal.
Sinabi naman ni dating DND Secretary Avelino "Nonong" Cruz na makabubuting isang abogado ang maitalaga sa naturang posisyon dahil malalim ang pag-uunawa nito sa batas na siyang higit na kailangan sa pagpapatuloy ng implementasyon ng AFP Modernization Act. (Lilia Tolentino)