Ito ang tila pagbubuskang pahayag kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez bilang reaksiyon sa mga ulat na planong pagtakbo muli sa ilalim ng tiket ng oposisyon ni dating Vice President Teofisto Guingona.
Pinaalalahanan pa ni Gonzalez ang kampo ng oposisyon na dapat ring ibilang sa line-up si dating Senate President Jovito Salonga upang mabuo na ang mga "ancient senators" sa Senado.
"I think they should also include Salonga so we will have ancient senators," pahayag pa ni Gonzalez.
Ayon pa sa kalihim, hindi dapat katakutan ng administrasyong Arroyo ang inihayag na senatorial line-up ng oposisyon dahil maari naman umano silang kumuha ng mga sikat na artista bilang kandidato katulad nina Comedy King Dolphy at Zsazsa Padilla.
Minaliit pa ni Gonzalez ang paghahanda ng oposisyon sa kanilang line-up dahil hindi na gaanong mahalaga na makontrol ng oposisyon ang Senado dahil malapit na rin naman umano itong buwagin.
Naniniwala ang Kalihim na ang dapat na paghandaan ng oposisyon ay ang magiging labanan sa House Representatives dahil ito lamang ang maaaring makapagsulong ng impeachment at ng pagbabago ng Saligang Batas. (Ludy Bermudo)