Prostitution sa Baclaran may basbas ng NCRPO
January 4, 2007 | 12:00am
Naging inutil ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Parañaque at pamunuan ng pulisya na nakabase sa Southern Police District at Camp Crame na sugpuin ang patuloy na operasyon ng prostitution at pasugalan sa Asean Entertainment KTV Bar sa Baclaran kung saan ay pawang mga menor-de-edad na kababaihan ang ikinakalakal sa mga dayuhang kalalakihan.
Sa nakalap na impormasyon ng PSN mula sa source, aabot sa P40,000 kada linggo ang ibinabayad ng may-ari ng nasabing KTV bar sa mga opisyal ng pulisya na nakabase sa Camp Crame, National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Southern Police Disrict (SPD) para hindi maistorbo ang operasyon ng prostitution.
Pinaniniwalaang may kasong kinakaharap sa Japan ang may-ari na si Kenjie Akiba ng nasabing KTV bar kaya itinatago ito sa bahagi ng Cavite mula sa Quezon City.
Isiniwalat din ng source na nagbibigay ng payola ang operation manager na si Ding Pineda sa grupo ng kapulisan sa NCRPO at ilang mamamahayag na nakabase sa Southern Police District sa patuloy na operasyon ng prostitution at sugalan sa loob ng VIP ng nasabing KTV.
Napag-alamang nagre-recruit ang management ng KTV bar ng mga menor-de-edad na kababaihan na magmula pa sa Pampanga, Zambales at Nueva Ecija upang isabak sa prostitution.
Nabatid na may inuupahan apartment ang Asean KTV bar sa kahabaan ang Apacible Street sa Paco, Maynila para sa mga bagong recruit.
Dito sinasanay sa prostitution ang mga kabataang babae bago isabak sa mga kalalakihang Tsino at Hapones.
Ayon pa sa source, may basbas ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang prostitution den at pasugalan ng Asean KTV bar kaya patuloy naman ang modus operandi partikular na ang tinatawag na bar fine sa mga kababaihan. (Mhar Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended