^

Bansa

Paglipat kay Smith sa US Embassy inayunan ng CA

-
Kinatigan kahapon ng Court of Appeals (CA) ang ginawang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas na ilipat sa US Embassy ang convicted rapist na si US Marine Lance Corporal Daniel Smith.

Sa 38-pahinang desisyon ng CA 16th Division, ibinasura na rin nito ang petisyon ni Smith sa isyu ng kustodiya dahil nailipat na ito ng detention kaya ‘moot and academic’ na o wala ng saysay para iresolba pa ang apela.

Binigyan ng bigat at pinaburan ng appelate court ang Dis. 22, 2006 RP-US agreement na kapwa nilagdaan nina Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto Romulo at US Ambassador Kristie Kenny sa paglipat kay smith sa custody ng embahada ng Amerika base na rin s aprobisyon na nakapaloob sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Nilinaw ng CA na tama lamang na igalang ng pamahalaan ng Pilipinas ang nilagdaang kasunduan.

Hindi rin umano maaaring panghimasukan ng korte ang nasabing usapin dahil ito ay siang "purely diplomatic issues" na tanging DFA, Pangulo ng Pilipinas at US Embassy lamang ang maaaring humawak sa nasabing usapin.

Nangako naman ang US Embassy na mananatili sa loob ng embahada at hindi makakalabas ng Pilipinas si smith hanggat hindi pa natatapos ang judicial proceedings sa kaso nito at isusuko nila ito sa pamahalaan kapag pinal na ang hatol.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng Malacañang ang mga hindi nasiyahan sa desisyon ng CA, partikular ang kampo ni Nicole na puwede pa rin silang umapela at magsampa ng kaso sa Supreme Court.

Samantala, bunsod na rin sa naging desisyon ng CA ay muling inanunsiyo kahapon ni US Embassy spokesman Mathew Lussenhop ang panunumbalik at pagpapatuloy muli ng RP-US war games o Balikatan military exercises.

Sinabi ni Lussenhop na ang pagkakaudlot ng Balikatan ay hindi makakaapekto sa relasyon ng mga sundalong Pinoy at Kano.

Ikinalugod naman ng Malacañang ang pahayag na ito ni Lussenhop ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, "We’re vindicated. Kita ninyo, within 48 hours, the US government made a decision na ituloy ang Balikatan." (Ludy Bermudo/Rose Tesoro/Lilia Tolentino/Rudy Andal)

vuukle comment

AMBASSADOR KRISTIE KENNY

BALIKATAN

COURT OF APPEALS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FOREIGN AFFAIRS

LILIA TOLENTINO

LUDY BERMUDO

LUSSENHOP

MALACA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with