Gov. Valera pinakakasuhan na
January 3, 2007 | 12:00am
Ipinasasampa na sa korte ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Abra Gov. Vicente Valera.
Sa inilabas na resolusyon ni DOJ Special Prosecutor Romeo Senson, may probable cause o sapat na batayan para maisulong na maiakyat sa korte ang kaso.
Kabilang sa mga ebidensiyang iprinisinta laban sa gobernador ang apat na .45 kalibre ng baril, isang machine pistol at isang granada.
Bukod kay Valera, kabilang din sa kinasuhan sina Pedro Castillo at Leo Bello.
Absuwelto naman sa anumang kaso si Oscar Abella na napatunayang pasahero lamang.
Pinaglalagak ng piyansang P310,000 ang bawat isa para sa pansamantala nilang kalayaan.
Inaresto ng mga tauhan ng PNP-TMG si Valera matapos maharang ang sasakyan nitong silver Chevrolet na walang plaka sa Commonwealth Ave., QC kung saam nakuha ang mga armas, bala at granada. (Ludy Bermudo/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest