Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Luisito Palmera, deputy for operations ng PNP na nagsabing epektibo nila itong ipatutupad sa pagsisimula ng election period mula Enero 14 at magtatapos sa Enero 13.
Nilalayon ng gun ban na mabawasan ang karahasan o pagdanak ng dugo sa pagdaraos ng eleksiyon sa bansa.
Nabatid na partikular namang tututukan ay ang mga lugar na itinuturing na hot spots sa tuwing magdaraos ng halalan kung saan marami ang mga pinapatay na kandidato na gumagamit ng mga goons para sa kanilang pulitikal na interes.
Binigyang-diin pa ng opisyal na aarestuhin nila ang sinumang kandidato o personalidad na mahuhuling magdadala ng mga armas kung walang gun ban exemptions na inisyu ng Comelec.
Kaugnay nito, paiigtingin pa ng PNP ang checkpoint upang maharang ang mga loose firearms na posibleng kumalat sa panahon ng election period.
Samantalang mahigpit ring babantayan ang mga hired killers na posibleng gamitin ng mga kandidato upang itumba ang kanilang mga kalaban sa pulitika. (Joy Cantos)