^

Bansa

Gun ban simula na sa Enero 14

-
Umpisa Enero 14 ng taong ito ay ipatutupad na ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban kaugnay ng nalalapit na May 2007 elections.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Luisito Palmera, deputy for operations ng PNP na nagsabing epektibo nila itong ipatutupad sa pagsisimula ng election period mula Enero 14 at magtatapos sa Enero 13.

Nilalayon ng gun ban na mabawasan ang karahasan o pagdanak ng dugo sa pagdaraos ng eleksiyon sa bansa.

Nabatid na partikular namang tututukan ay ang mga lugar na itinuturing na hot spots sa tuwing magdaraos ng halalan kung saan marami ang mga pinapatay na kandidato na gumagamit ng mga goons para sa kanilang pulitikal na interes.

Binigyang-diin pa ng opisyal na aarestuhin nila ang sinumang kandidato o personalidad na mahuhuling magdadala ng mga armas kung walang ‘gun ban exemptions’ na inisyu ng Comelec.

Kaugnay nito, paiigtingin pa ng PNP ang checkpoint upang maharang ang mga loose firearms na posibleng kumalat sa panahon ng election period.

Samantalang mahigpit ring babantayan ang mga ‘hired killers’ na posibleng gamitin ng mga kandidato upang itumba ang kanilang mga kalaban sa pulitika. (Joy Cantos)

BINIGYANG

CHIEF SUPT

COMELEC

ENERO

JOY CANTOS

LUISITO PALMERA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

UMPISA ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with