DNA test kay Janjalani 3-4 linggo pa
December 30, 2006 | 12:00am
Tatagal pa ng tatlo hanggang apat na linggo ang DNA test para mapatunayan kung ang nahukay na naaagnas na bangkay sa Patikul, Sulu noong Miyerkules ay labi ni Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Phil. Marines spokesman Lt. Col. Ariel Caculitan na nangangailangan ang mga forensic experts ng sapat na panahon mula 3-4 linggo para makumpleto ang DNA test sa pagsusuri ng sample tissue na nakuha sa bangkay.
Binigyang-diin ni Caculitan na hindi sila dapat kaagad magtiwala sa inihayag ng mga sumukong miyembro ng Sayyaf at dahil itinuturing na high value target si Janjalani ay dapat na maberipika itong mabuti.
Si Janjalani, ayon sa mga testimonya ng ma sumukong bandido, ay napatay umano sa pakikipag-encounter sa mga sundalo noong Setyembre 4 sa bayan ng Patikul. Sa naturang sagupaan, 6 tauhan ng Marines ang napatay habang 19 ang sugatan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended