Ayon kay Nograles, hindi dapat gawing basehan ang mga surveys para masiguradong mananalo ang isang kandidato.Sinabi pa ng solon na mas maganda kung matalo sila sa surveys, pero panalo naman sa halalan.
"Mas maganda na matalo kami sa surveys dahil tiyak na mga kandidato naman ng administrasyon ang magwawagi sa resulta ng halalan dahil sa aming makinarya at mataas na kuwalipikasyon," pahayag ni Nograles.
Hindi aniya popularity contest ang eleksiyon na katulad ng Philippine idol dahil mas dapat tingnan ang kakayahan at kuwalipikasyon ng isang kandidato.
Nangnguna sa pinakahuling survey ng SWS sa top 12 ang mga oposisyong sina Loren Legarda, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Francis Pangilinan, Senate President Manuel Villar Jr., Rep. Alan Peter Cayetano, Vicente "Tito" Sotto III, Sen. Ralph Recto, broadcast journalist Korina Sanchez, Atty. Aquilino "Koko" Pimentel III, Gregorio "Gringo" Honasan, San Juan Mayor JV Ejercito at Sen. Edgardo Angara.
Kabilang sa mga manok ng administrasyon sa pagka-senador sina Mike Defensor; Optical Media Board chairman Edu Manzano; TESDA secretary general Jose Syjuco; Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at DENR Secretary Angelo Reyes. (Malou Escudero)